Orlando, Fla.—Bumida sa game winning shot si Kyle Kuzma, dahilan upang lunurin ng Los Angeles Lakers ang Denver Nuggets, 124-121.
Naibuslo ni Kuzma ang tres mula sa pasa ni Anthony Davis, may 4.5 seconds na lang nalalabi sa fourt quarter. Hindi na nakaporma ang Nuggets sa 0.4 hald-seconds, kaya panalo ang Lakers.
“Jesus could be in front of me, and I’ll still shoot,”saad ni Kuzma sa videoconference. Natuwa naman ang nanay nito na si Karri dahil sa heroic act na ginawa niya.
Sa panalo ng Lakers (52-18), naputol nito ang three-game losing streak sa NBA bubble. Umiskor si LeBron James ng 29 points para sa Lakers. Nag-ambag naman ng 27 si Davis at 25 si Kuzma.
“In order for us to win a championship, he has to be our third-best player,” ani James patungkol kay Kuzma.
“If I’m struggling, or if AD’s struggling, he has to be our second-best player,” aniya.
Narito ang complete stats ng laro:
DEN:PJ Dozier: 17 Pts. 3 Rebs. 3 Asts. 1 Blks.Michael Porter Jr.: 15 Pts. 4 Rebs. 1 Asts. 1 Stls.Jamal Murray: 14 Pts. 4 Rebs. 3 Asts. 2 Stls.
LAL:LeBron James: 29 Pts. 1 Rebs. 12 Asts. 2 Blks.Anthony Davis: 27 Pts. 6 Rebs. 5 Asts. 3 Stls.Kyle Kuzma: 25 Pts. 6 Rebs. 3 Asts. 2 Stls.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na