November 2, 2024

KURT BARBOSA, PANSIYAM NA ATLETANG BABANDERA SA PINAS SA TOKYO OLYMPICS

Nagkaroon ng tiket si Pinoy taekwondo jin na si Kurt Barbosa sa 2021 Tokyo Olympics. Ito’y matapos niyang gapihin ang Jordanian na si Zaid Alhalawani sa Asian Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.

Dahil dito, si Kurt Barbosa na ang pansiyam na Pilipino na pasok sa Olympics. Siya rin ang one and only taekwondo jin na nakapasok sa nasabing torneo.

Gayunman, hindi naging madali kay Kurt na kunin ang nasbaing tiket. Sa semifinals ng torneo sa men’s-58kg-division, nangapa siya ng 15 points.

Mula rito ay unti-unti siyang nakahabol kay Alhalawani bago niya ito nadaig. Abante pa ng 5 points ang Jordanian sa nalalabing 12 seconds ng laban sa iskor na 49-44.

Pero, pinalad si Barbosa na makapagtala ng successful 3 kicks attempt. Dahilan upang masilan ang karibal.

Sa quarterfinals, dinaig ng National University standout ang pambato ng Mongolia. Ligwak kay Barbosa si Tumembayar Molom sa iskor na 40-33.