April 27, 2024

Kung kailan bumait… ANDREA BRILLANTES, HINDI NA PRIORITY NG ABS-CBN

SIGN lamang ito na hindi pa talaga bankable star si Andrea Brillantes, hindi nakatulong ng malaki sa kanyang showbiz career ang pagiging matapang at malandi image nito.

“Akala kasi ni Blythe ay kaya na niyang tapatan si Kathryn Bernado, pero doon siya nagkamali.

“Sinira niya ang KathNiel loveteam, pero hindi niya na isip na ang sinira niya ay ang nagaakyat ng pera sa Kapamilya TV network.

“Kaya ang ending, tinabi muna siya at inuna si Kathryn Bernado na kaliwa’t kanan ang mga ini-endorse na mga produkto. “Ngayon ay waiting si Blythe, kung kailan siya mabibigyan ng magagandang projects o commercials,” kuwento pa ni ni Miss. Bubuwit na aking source.