May 14, 2024

KUNG ANO MAN ANG MAGING CHOICE NI BIMBY SA BUHAY, OKAY LANG KAY KRIS AQUINO

PUMALAG si Kris Aquino, sa panghuhusga sa anak niyang si James ‘Bimby’ Aquino-Yap. Bata pa si Bimby, ay hinuhusgahan na ang gender nito at ang masakit pa ay malapit pa kay Bimby ang isa sa humusga sa katauhan ng kanyang anak.

Mabuting anak si Bimby. Mahusay ang pagpapalaki ni Kris Aquino sa kanyang anak. Dahil matalino ito at halatang hindi naman ito naaapektuhan ng mga panghuhusga sa kanyang gender. Kung ibang bata lang si Bimby, magtatanim ito ng sama ng loob sa mga taong pilit na sinisira ang kanyang pagkatao.

Masaya si Kris, dahil napalaki niya ang kanyang mga anak na may dignidad at repeto sa kanyang kapwa. Kita rin sa ugali ni Bimby, na sa halip gumanti ay inuunawa na lang niya ang mga nangyayari. Isa lang naman ang hiling ni Kris Aguino kay Bimby, Ang huwag itong maging homophobic. Pero kung ano man ang choice ng kanyang bunso, okay lang sa kanya.