NAGKASA ng manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) laban sa isang retiradong army general na nagkakalat ng maling impormasyon hinggil sa di umano’y pagsapi nina Armed Forces chief of staff Gen. Romeo Brawner and PNP chief Gen. Benjamin Acorda sa napipintong kudeta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Partikular na tinukoy ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo ang social media post ni retired Army Gen. Johnny Macanas sa kanyang YouTube Page na “The Generals Opinion” kung saan pinangalanan pa sina Brawner at Acorda na bahagi ng destabilisasyon laban sa gobyerno.
Nagpahayag na rin ng suporta at katapatan ang AFP at PNP kay sa Pangulo bilang commander-in-chief.
Ayon kay Fajardo, walang katotohanan ang nakasaad sa video na aniya’y isang malinaw na paninira at pagpapakalat ng maling impormasyon.
Panawagan ng PNP sa publiko, huwag patulan at ikalat ang video, kasabay ng babala sa kalakip ng parusang nakasaad sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Samantala, iginiit din ni Brawner na nananatiling tapat sa Konstitusyon at sa kanilang tungkulin ang hanay ng AFP – “The men and women of the AFP remain steadfast in their role as the guardians of our nation’s sovereignty and defender of democratic principles,” ayon sa pahayag ng AFP.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA