May 19, 2024

KRIS AQUINO, PATULOY NA LUMALABAN PARA SA MGA ANAK

HALATANG hirap nang lumaban si Kris Aquino sa kanyang sakit, matapang na lang ito dahil gusto niyang ipakita kina Bimby at Joshua na kaya pa niya.

Nakakalungkot dahil kahit anong gawin ng kanyang mga doktor na pagalingin siya sa kanyang sakit, ay lalo lamang may dumarating na bagong sakit sa kanyang katawan.

“Since 2018 ay nakikipaglaban na si Kris Aquino sa kanyang sakit na, autoimmune diseases pero bigo pa rin siyang malunasan ito. Kita n’yo naman sa kangyang IG photos ang mga mapupulang pantal sa kanyang mukha, lumabas ito dahil na rin sa kanyang allergy sa mga iniinom nitong gamot.

“Hanggang ngayon ay dumadaan siya sa bad flare at ang clogged sinus passages niya unti-unting nagpapahirap sa kanyang katawan, naging matatag siya at patuloy na lumaban dahil nakita niya ito sa kanyang Ina ng lumalaban ito sa kanyang mabigat na karamdaman.

“Nagpasalamat din si Kris, sa kanyang pamilya mga kaibigan sa showbiz at sa mga fans at mga tao na patuloy siyang ipinagdarasal ng mga ito. Ang hangad ni Kris ngayon ay patuloy na lumaban sa kanyang sakit, dahil iyan sa kanyang mga anak na lamang,” lahad pa ng aking source.