April 28, 2024

KRIS AQUINO, NAWALAN NG SLOT SA TV5

DALAWANG beses nang na-postpone ang comeback TV show ni Kris Aquino na ‘Love Life With Kris’ sa TV5. Hanggang ngayon pala hindi pa nila ito naaayos. Kaya ang lagay ng pagbabalik-telebisyon ni Kris ay parang wala pa itong kasiguraduhan.

Naiinip na ang kanyang mga fans at followers. Nagdududa tuloy sila na baka naman na-politika na ang show niya kaya hanggang sa ngayon hindi ito maipalabas.

Pero kampante lang ang side ni Kris. Samantalang kumakalat ang isyu na may alitan sina Kris at ang kanyang producer kaya hindi ito mailalabas sa TV5. Sana raw maayos na ang gusot, para makabalik na si Kris sa telebisyon.