DEAD on the spot ang apat katao kabilang ang isang menor de edad matapos mahulog sa tulay ang sinasakyan nilang kotse sa Ragay, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Melchor Dejillo, driver ng kotse, at mga angkas nito na sina Salve Dejillo, Mary Ann Morata, at ang 15-anyos na si Kriza Dejillo – na nagtamo ng mga bali at pinsala sa ulo.
Lumabas sa imbestigasyon na galing ang mga biktima sa Naga City at pauwi na sana sa Barangay F. Simeon.
Pero pagdating ng sasakyan sa ginagawang tulay na may 20 metro ang taas, nagdire-diretso na ito sa ilog.
Sa naturang ulat, makikita na pinagtulungang hatakin ng mga awtoridad ang kotse ng mga biktima na nahulog sa Barangay Panaytayan.
Naiangat ang wasak na kotse pero hindi na naisalba pa ang buhay ng mga biktima.
Sinabi ng mga awtoridad na posibleng nalunod din ang mga biktima.
Ayon sa NDRMO Ragay, matagal na nilang sinabi sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglagay ng warning sign at harang sa tulay. Sinubukan na kunin ang panig ng DPWH pero tumanggi silang magbigay ng pahayag.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS