November 21, 2024

Korean couple na wanted sa fraud nakakulong na sa BI facility

LAS PIÑAS — Ikinulong ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean couple na itinuturing na puganteng wanted dahil sa kasong fraud sa Seoul.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga pugante na sina Seol Kwangsu, 33 at Han Haneul, 26, na naaresto sa Las Piñas City noong Huwebes ng mga miyembro ng bureau’s fugitive search unit (FSU).

Ayon kay Morente patatalsikin sa bansa ang mga nadakip na Koreano dahil sa pagiging undesirable at undocumented alies, kung saan idinagdag nito na kinansela na ng Korean government ang pasaporte ng dalawa.

Dagdag pa niya, naglabas siya ng mission order para sa pagkakaaresto ng mag-asawa matapos ang request ng South Korean authorities sa Maynila.

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, subject si Seol ng arrest warrant na inisyu ng Seobu district court sa Seoul. Sinabi niya na may hiwalay din na warrant ang inilabas laban kay Han ng Deejeon district court.

Aniya na ang kapwa Korean ay may kasong fraud na may koneksyon sa pagkakasangkot ng mga ito sa isang fraudulent investment scheme.

Sinasabing si Seol ay isang caller ng voice-phishing syndicate na nagpapanggap na lenders ng financial institutions, na nakapanloko ng mga biktima para mai-transfer ang 261 million won sa pamamagitan ng pag-aalok ng false loans. Sa kabilang dako, wanted din si Han matapos maloko ang 5 biktima ng mahigit sa 80 million won.

Lumalabas sa pagsusuri sa travel records ng dalawa na sila ay overstaying aliens. Huling dumating si Seol sa Maynila noong Abril 20, 2013 habang si Han ay noong August 1, 2019.

Kapwa nanatili ang dalawang Koreano sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation.