ARESTADO ang isang konsehal sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas PPO at Laurel Municipal Police Station sa Sitio Lubluban Brgy. San Gregorio, Laurel, Batangas.
Sinabi ni Batangas Provincial Director, PCol. Glicerio Cansilao, kay Calabarzon Regional Director, PBGen. Antonio Yarra, nahuli sa matagumpay na operasyon si Danilo Atienza y Villanueva, 64 taong gulang, may-asawa, Brgy Councilor at residente ng Sitio Lubluban Brgy. San Gregorio, Laurel, Batangas bandang 5:10 hangang 7:00 ng umaga ng Hulyo 1, 2022.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na may numero 2022-13 at ipinalabas ni by Hon. Judge Charito M. Macalintal-Sawali, Executive Jugde, Regional Trial Court Branch 66 Fourth Judicial Region Tanauan City noong Hunyo 29, 2022, sa presensya ni Barangay councilors Eugenio De Leus at Marcos V Austria. Na-recover ng mga pulis sa kwarto ng suspek ang isang sling bag marked, isang unit ng Fabrique Nationale D’armes De Guerre Herstal – Belgique na may serial no. 3540, isang live ammunition cal. 9mm loaded in the chamber, isang magazine ng cal. 9mm, at labing-isang live ammunitions ng cal 9mm. Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa Section 28 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions).
Si Atienza ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Batangas PPO.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna