Kasabay ng ipinangakong malinis na pamahalaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panahon ng kanyang administrasyon ay ang layunin na mapuksa ang insurhensiya, kaguluhan at krimen na ang pinagmumulan ay ang mga makakaliwang grupo laban sa gobyerno.
Ito ay ang mga lokal na teroristang organisasyon na hanggang sa ngayon ay nagpapalaganap ng idelohiyang komunismo kung saan ito ay naglalayong pabagsakin ang pamahalaan at agawin ito upang sila ang magkontrol.
Ngunit ano nga ba ang komunismo at ano ang mangyayari sa atin kapag naging isang ganap na komunismo ang gobyerno ng ating bansa.
Ang katagang komunismo ay nanggaling sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugan ng pagkakapantay-pantay o “para sa lahat” ito ay isang sosyoekonomiko-politiko na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa isang lipunan at walang indibidwal o kolektibong pag-aari dahil ang lahat ay kontrolado ng pamahalaan.
Subalit ito ay naging masalimuot nang umusbong ang konsepto ng pribadong pag-aari dahilan upang lumaganap ang ideyolohiyang kapitalista kung saan mas yumayaman ang mga mayayaman at lalong naghirap ang mga mahihirap.
Mga ideyolohiyang kanilang ikinakalat sa iba’t ibang sangay ng lipunan partikular sa mga paalaran upang lasunin ang isip ng kapwa nila Filipino nang sa gayon ay mabuo sa kanilang kaisipan na kalaban ng tao ang gobyerno at tanging marahas na pakikibaka lamang ang solusyon para sa ikauunlad ng ating bayan.
Kabilang sa mga nasabing teroristang organisasyon ay ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front o mas kilala sa tawag na CPP-NPA-NDF.
Sa buong mundo, sila ang may pinakamatagal na kasaysayan ng paghahasik ng rebelyon sa isang bansa na tumagal na ng higit sa limampung taon.
Ngunit sa tinagal-tagal na nitong CPP-NPA-NDF na naghahasik ng kaguluhan sa ating bansa, malinaw na ni minsan ay hindi ito nagdulot sa atin ng kahit kakarampot na pag-unlad bagkus ay lalo lamang itong nagpalala sa pagkakaudlot ng hinahangad nating kaunlaran.
Isa lamang itong malaking patunay na kailanman ay hindi solusyon ang paghahasik ng karahasan para magtamasa ng kasaganahan at kapayapaan.
Sila itong mga salot sa ating lipunan na kailangan nang mawakasan dahil marami nang buhay ang nasira at marami na ring mga pangarap ang naudlot.
Isa lamang ang pamahalaan na mayroon tayo sa Pilipinas at ito lamang ang tunay nating sandigan kaya’t nararapat lamang na ito ang ating suportahan at tumalima tayo sa mga maling katuruan. (HUKBONG HIMPAPAWID NG PILIPINAS)
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON