May 18, 2024

Kolektor ng basura, itinumba

PATAY matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang kolektor ng basura sa Port Area, Manila kaninang madaling araw umaga.

Agad binawian ng buhay si Rafael Abuc, 49, ng Baseco Compound, Port Area habang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa imbestigasyon ni PMSg Jansen San Pedro ng Manila Police District – homicide section, naganap ang pamamaril dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Block 9 Extension, Baseco Compound sa Port Area.

Nabatid na natutulog ang mga residente sa nasabing lugar ng mga sanadaling iyon nang makarinig silang isang malakas na putok ng baril.

Nang tignan, bumungad sa kanila ang nakabulagtang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at pagkakilanlan ng suspek.