November 14, 2024

KLASE SA HULYO MAGBUBUKAS – DEPED (Unting-unting ibabalik sa old academic calendar)


Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang dahan-dahang pagbabalik ng klase sa lumang academic calendar, kung saan ang klase ay magsisimula sa Hulyo at ang school break ay mula Abril hanggang Mayo.

Ang gradual transition ay opisyal na sisimulan sa academic year 2024 to 2025, kung saang magbubukas ang klase sa Hulyo 29 at matatapos sa Mayo 16, 2025.

“[A]ng ginawa lang natin is we adjusted the current school calendar so we will now be ending by may 31 yun yung last day natin ng school calendar for this school year,” ani Education Undersecretary Michael Poa.

“Tapos noon, ang school break ay magsisimula on June 1 until July 28.”

Enero lang nang kumpirmahin ng DepEd ang dahan-dahang pagbabalik sa lumang academic calendar para maipwesto ang pagsisimula ng klase pabalik ng Hunyo.

Matatandaang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers noong 2023 na 67% ng mga guro ang nakararanas ng “intolerable heat” sa silid-aralan tuwing Marso, bagay na panahon na ng tag-init. Aniya, nakaaapekto rin daw ito sa pagbaba ng atensyon at pagtaas ng estudyanteng lumiliban.

Ani Poa, tinitignan nilang maibalik sa Hunyo ang school opening pagsapit ng SY 2026-207 para na rin mailapit sa tradisyunal na April-May school break.

“Generally, everyone wants to go back to the April to May (school break),” dagdag pa ni Poa.

“[M]eron din tayo study from [Philippine Normal University] that says the same thing. So, because ito ‘yung talagang gusto ng tao, nag-decide na tayo na we should go back. But we have to do it gradually para hindi maapektuhan naman dahil learning recovery mode po talaga tayo ngayon.”

Bibigyan din aniya ng leeway ang mga pribadong eskwelahang sumunod sa naturang kautusan o maglabas ng sariling schedule ng pagbabalik ng klase alinsunod sa batas.