January 19, 2025

Klarong mensahe ni GAB chair Clarin, PROTEKSIYON NG PROS ANG UNAHIN

GAB chair Clarin

MAKATITIYAK ang sambayanan na mapapangasiwaan ng wasto ang estado ng professional sports at mabibigyan ng sapat na proteksyon ang pro na  atletang Pinoy laban sa mga mapagsamantala  sa pangangasiwa ng bagong liderato sa Games and Amusements Board (GAB).

Iginiit ni GAB Chairman Richard Clarin na masinsin ang ang pagpupursigeng ginawa nang mga dating lider sa ahensiya at handa siyang paigtingin ang mga naiwang programa batay sa tatlong adbokasiya – promote, professionalize, and protect.

“The mandate of GAB is to promote professional sports, not just boxing, but all sports. Regardless if the sports is lucrative or not, trabaho po natin na mapangasiwaan ng tama at naaayon sa batas ang lahat ng pro sports tulad ng chess, billiards, at e-sports.

“Mula sa supervision, dinagdagan natin ng support by creating program na makapagbibigay kaginhawaan para sa lahat lalo na yung mga boxers na walang mga laban o naghihintay na magkaroon ng laban siyempre, kailangan ng mga yan ng training to keep them in top shape,” pahayag ni Clarin sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ forum kamakailan sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) na nasa Malate, Manila.

“Yung programa natin basta may lisensya ng GAB makakakuha ng 10% discount sa lahat ng Go Hotels sa bansa, may 15% naman sa mga partner restaurants, habang yung mga gustong gumamit ng gym lalo na yung mga boxers natin na walang mga laban ay patuloy pa ring makapagensayo na hindi na kailangang pang magbayad. Alam naman natin na yuing 100 pesos para sa gym eh malaking halaga sa ating mga atleta,” aniya.

Ayon kay Clarin naka-post sa GAB Facebook page ang listahan ng mga establisiyemento na pakner sa nasabing programa sa naturang programa at maaari ring magtungo sa tanggapan ng ahensiya ang lahat ng mga nagnanais para makakuha ng kopya.

Sa aspeto ng pagiging propesyunal, plano ni Clarin na ibatay ang rules and regulation sa ipinapagtupad nang iba’t ibang professional body tulad ng World Boxing Council, World Boxing Association at International Boxing Federation.

“Gawin nating nternational ang guidelines. Isasaillim din natin sa Financial literacy program ang ating mga atleta para sa ganoon ay matutunan nilang maisaayos ang paghawak sap era. Marami kasi sa kanila lalo na yung mga bikxers, pag nakatyempo ng Maganda kumite ng malaki, naku one-day millionaire. Yung iba nan ais magpunta sa ibang sports kailangan mabigyannatinng sapat na training program,” pahayag ni Clarin sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.

Nagbabala naman si Clarin sa mga magtatangka promoters, matchmakers, managers o grupo na manloloko at mangaabuso sa atleta na haharapin nila ang ngitngit ng GAB at sisiguraduhing mabubura sila sa mundo ng professional sports.

“May kapangyarihan ang GAB na bawiin ang mga lisenya at talagang blacklisted sa atin yang mga lalabag sa batas. Kaya panawagan ko sa lahat, magsumbong kayo sa GAB kung kayo ang naloko, samantalahin ninyong abogado ang inyong Chairman at paparusahan natin ang mga abusado,” sambit ni Clarin, isang corporate lawyer.

“Para mas madaling maunawaan ipapatagalog na rin natin yung mga kontrata nang sa ganoon walang agam-agam ang ating mga boxers,” aniya.