ARESTADO ng mga operatiba ng Taytay Municipal Police Station ang responsable sa pagpaslang sa isang 8-anyos na bata na natagpuang naagnas at nakasilid sa sako sa isang bakanteng lote sa Barangay Sta. Ana ng nasabing bayan noong Huwebes ng gabi.
Nadakip ang suspek pasado alas-11:00 ng gabi nitong Biyernes.
Hindi pa rin nagsasalita ang suspek kaugnay sa akusasyon laban sa kanya simula nang dalhin siya sa istasyon ng pulisya.
Setyembre 11 nang mapaulat na nawawala si Rylai Kaye Barrun.
“Noong 8:30, nagsabi ako sa papa niya [na] mag-sandok ka na [at] pakainin mo mga bata. Si Rylai, wala pa [kaya] tawagin mo. Nangatok na po kami. Lahat ng bahay ng kalaro niya, kinatok namin. Hindi raw po nila nakita,” kuwento ng ina ng biktima na si Kristelle Alborta.
Kaya agad nag-post sa social media ang pamilya kaugnay sa pagkawala ng biktima at nagsumbong sa pulisya.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang.
Pero batay sa nakuhang autopsy report ng pamilya ng biktima, ginahasa at sinakal ang kanilang anak.
Samantala, personal na nagtungo sina DILG Secretary Benhur Abalos at Mayor Allan de Leon sa burol ng biktima.
Iginiit nila na mas pagpapaigting ang seguridad, karagdagang CCTV at taskforce multiplier sa bayan ng Taytay dahil sa pangyayaring ito.
Kasama sina Provincial Dir. Police Colonel Felipe Maraggun, Taytay Chief of Police Lieutenant Colonel Gaylor Pagala ang pagpapalawak ng seguridad sa nasabing bayan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA