December 24, 2024

KIKO PANGILINAN NAGHAIN NG CYBER-LIBEL VS YOUTUBER

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Cyberlibel law sa Department of Justice ang isang YouTube channel dahil sa paninirang puri laban kay Dating Senador Kiko Pangilinan at sa kanyang pamilya

Batay sa 10-pahinang affidavit na inihain ng Dating Senador, kabilang sa mga kinasuhan ang mga may-ari ng YouTube channel na Bungangera TV dahil sa pagpo-post ng mga video na nakasisira sa kanyang reputasyon bilang public servant at mister ng aktres na si Sharon Cuneta-Pangilinan.

Nalaman sa Dating Senador na may 435 na video na nagpapakita na sinasaktan ang kanyang may-bahay at mga anak.

Gayunman, wala namang mga ipinakitang statement na gaya nang nakasaad sa title and thumbnail.

 “The titles, thumbnails, and all other contents of the videos pertaining to me and my family are all false, have no factual basis, and are intended to destroy or damage my reputation as a public servant, and a husband to one of the most beloved celebrities in the Philippines, Sharon Cuneta- Pangilinan,”ani Pangilinan.

Upang magkaroon aniya ng maraming subscribers, ang naturang channel ay nagpapakalat ng mali-mali at gawa-gawang kuwento laban sa kanyang pamilya.

“Gumagawa ito ng malaswang kwento para dumami ang viewers at kumita, at sirain ang relasyon ng aming pamilya” ayon sa Dating Senador.

 Humingi rin ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division si Pangilinan upang mapreserba ang  Bungangera TV YouTube videos at kolektahin ang iba pang computer data na kaugnay sa Bungangera TV kabilang ang identity ng mga owner/s, author/s, at mga  person/s na responsable sa operasyon ng  Bungangera TV at mga video.

Hiniling din ng  NBI na atasan ang  Google at YouTube na isumite ang impormasyon at mga relevant data, halughugin at kumpiskahin ang mga computer data ng Bungangera TV at tiyakin ang integridad ng mga makakalap na data.

“Once the owner/s, author/s, or person/s responsible for the creation and management of Bungangera TV and the libelous videos is/are identified, I will pursue legal action against him/her/them, and I intend to use the data collected and preserved as evidence,” ani Pangilinan.