ISINAGAWA ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry - Navotas, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung saan tampok dito ang makabuluhang talakayan, exhibits, at networking kung saan nagtipon ang mga negosyante, innovators, at leaders mula sa iba’t ibang industriya upang pag-usapan ang mga oportunidad sa negosyo at pag-unlad ng lungsod. (JUVY LUCERO)
MINARKAHAN ng Lungsod ng Navotas ang isang makasaysayang milestone sa pagtatanghal ng kauna-unahan nitong Navotas Business Conference na ginanap noong Oktubre 28–29, 2025, sa Navotas Convention Center.
Ang kaganapan ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter (PCCI–Navotas), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na tinipon ang mga pinuno ng industriya, mga opisyal ng gobyerno, mga negosyante, at mga innovator.
May temang “Navotas Rising: Empowering Industries from Sea to City,” na layon ng conference na magbigay ng lugar para sa pagtalakay sa mga oportunidad sa paglago, inobasyon, at kolaborasyon sa mga pangunahing sektor ng Navotas.
Sa kanyang talumpati, binalikan ni Mayor John Rey Tiangco ang mga simpleng simula ng lungsod at ang pagbabago nito mula sa isang bayan ng pangingisda patungo sa isang maunlad na urban economy.
“There was a time when Navotas was known only for fish—our economy, identity, and life bound to the sea. But through the years, we have evolved into a diverse urban economy powered by trade, manufacturing, logistics, and services,” aniya.
“At the heart of it all is the Navotas Fish Port Complex, the largest in the country, supplying over 70% of Metro Manila’s fish. With new unloading piers, cold storage, and modern markets, the port is becoming a world-class logistics hub, sustaining jobs and industries beyond our shores,” dagdag niya.
Inihayag din ni Mayor Tiangco na ang Navotas Economic Roadmap ay nakabatay sa limang pangunahing haligi: blue economy, cold chain corridor, paggawa ng barko, smart industry zones, at digital transformation na lahat ay layong isulong ang pagpapanatili ng paglago at iposisyon ang Navotas bilang isang modernong industrial hub.
Binigyang-diin pa niya na sinimulan ng lungsod ang mga mahahalagang proyekto tulad ng mga bagong paaralan, pinahusay na mga kalsada, flood control systems, ang Navotas Convention Center, Navotas Polytechnic College, Navotas feeder line mula C3 hanggang Centennial Park, at ang Skyway extension mula 5th Avenue hanggang R10, na kapwa suportado ng lokal at pambansang pondo.
Pinondohan din ng pribadong sektor ang shore protection dike, na magsisilbing hakbang sa pagkontrol ng baha at isang access road patungo sa New Manila International Airport at Barangay Tanza 1 at Tanza 2, na magbubukas ng mga bagong gateway para sa komersyo at kalakalan.
Samantala, binigyang-diin naman ni Navotas Representative Toby Tiangco ang lumalaking estratehikong kahalagahan ng lungsod at ang mahalagang papel ng mga negosyo sa pag-angat ng mga lokal na kabuhayan.
“Navotas will soon be geographically positioned between the New Manila International Airport and the shipping ports. Instead of being at the edge of Metro Manila, we will become a center of economic activity. That is what we are preparing for,” pahayag niya.
“It is vital for businesses to thrive because true progress happens when people have jobs. We are doing our best to strengthen enterprises in Navotas. As our local businesses grow, more opportunities will open, and the lives of our residents will improve,” dagdag niya.
Tampok sa conference ang mga natatanging panauhin, kabilang sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) Gen. Manager Atty. Glenn Pangapalan, at motivational speakers na sina Bo Sanchez at Lloyd Luna.
Kabilang din dito ang mga plenaryo session, mga forum sa industriya, at mga aktibidad sa networking na nakatuon sa pangingisda, logistik, paggawa at pagkukumpuni ng barko, pagnenegosyo, at iba pa. (JUVY LUCERO)
