December 24, 2024

KEVIN LOVE, NAGDONATE NG $500,000 SA UCLA PARA SA MENTAL HEALTH ADVOCACY

Bilang isa sa masugid na sumusuporta sa adbokasiya sa mental health ng NBA, nagdonate ng $ 500,000 dolyar si Cleveland Cavaliers cager Kevin Love sa UCLA psychology department. Ito rin ang nagbunsod upang itatag niya ang Kevin Love Fund Centennial Chair sa nasabing pamantasan.

Nagbunsod kay Love, dating manlalaro ng UCLA, na gawin ang kawanggawa pagkatapos na  parangalan bilang Arthur Ashe Courage Award ng ESPYS  dahil sa kanyang mental health advocacy work.

Makatutulong ang donasyon ng 31-anyos na si Love sa pagtuturo’t pananaliksik ng nabanggit na paaralan; upang makatulong sa pagsugpo, pagpapa-diagnose at mabawasan ang pagkabalisa at depresyon.

 “I’m concerned about the level of anxiety that people are feeling. Recent events, including the novel coronavirus outbreak, have put our society under enormous stress,” ani Love.

 “I am happy to be able to help UCLA, my alma mater, work toward solving some of society’s biggest underlying issues.”

“I hope one day we are able to erase the stigma around anxiety and depression, and we can only do that by improving diagnosis and treatment, fostering public conversations about mental health and encouraging people to seek help when they need it,” aniya.

Si Love ay mayroong 17.6 puntos at 9.8 rebounds sa Cavaliers ngayong 2019-2020 season at naglalaro sa liga sa loob ng 12 taon. Siya ay naging five-time All-Star na naglaro sa Minnesota Timberwolves bago lumipat sa Cleveland noong 2014-2015 NBA season. Naibulalas rin niya ang pagkakaroon niya ng panic attacks noong 2018, isang lingo pagkatapos na maibahagi rin ni San Antonio Spurs guard DeMar DeRozan ang kondisyon nito tungkol dito.