
Hinoldap si Kentavious Caldwell-Pope sa kanilang bahay sa Los Angeles, California. Tinutukan siya ng baril para makuha ng mga salarin ang kanyang gamit.
Nangyari ito habang nakatambay ang Los Angeles Lakers guard sa kanilang driveway. Kasama niya rin noon ang kanyang mga kaibigan.
Mga alas 4:00 ng umaga. Sa hindi inaasahan, 3 lalaki ang biglang sumulpot at tinutukan sila ng baril.
Sinabi ng mga ito na ibigay ang mahilang mga mamahaling gamit. Umabot sa $150,000 halaga ng items ang nakulembat ng mga salarin. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa kanila.
Sa ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT