ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng baril na may mga bala at mahigit P.7 milyon halaga ng shabu sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Kenneth Ocampo, 30 ng No. 35 Hebrew Alley, F. Balagtas St., Brgy. 143, Bagong Barrio.
Sa report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sub-Station 5 ng Caloocan police na nag-iingat umano ng baril at ilegal na droga ang suspek.
Kaagad ipinatupad ng mga tauhan ng SS5 sa pangunguna ni PLt Julius Villafuerte, PLt Bernard Libunao at SRU/SWAT sa pangunguna ni P/Capt. Jacinto Baltazar Jr ang search warrant para sa paglabag sa Section 28 of R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), Art II Section 11 of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act) na inisyu noong December 2, 2022 ni 1st Vice Executive Judge Glenda K. Cabellao-Marin ng Regional Trial Court (RTC), Caloocan City sa bahay ng suspek.
Nasamsam ng mga pulis ang isang Llama pistol, dalawang magazine ng cal. 9mm, 28 pirasong bala ng cal. 9mm, weighing scale, coin purse, belt bag, 16 pirasong small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang medium knot-tied sando plastic bag ng hinihinalang shabu na umaabot lahat sa 105.12 gramo na may standard drug price P714,816.00 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!