NADAKIP ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD), sa pamamagitan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa manhunt operation ang isang kelot na wanted sa kasong sexual offenses sa Valenzuela City.
Ayon kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa kinaroroonan ng 20-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person ng lungsod.
Agad bumuo ng team si P/Capt. Regie Pobadora, hepe ng DDEU saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-4:40 ng hapon sa Northville 1, Barangay Bignay.
Ani Capt. Pobadora, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrants of arrest were na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City, noong December 12, 2024, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code (RPC) in relation to Section 5(B) of R.A. No. 7610, and Sexual Assault under Article 266-A(2) of the RPC in relation to Section 5(B) of R.A. No. 7610.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang dedikasyong pagsisikap ng mga opisyal ng DDEU na sangkot sa operasyon kung saan binigyang-diin niya na ang pagtutulungan at propesyonalismo ay nananatiling pundasyon ng misyon ng NPD na maghatid ng hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa CAMANAVA area.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD-DDEU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
IMAHE NG MGA DATING PANGULO TINANGGAL SA BAGONG LALABAS NA PERA