ARESTADO ang isang 36-anyos na lalaki na listed bilang most wanted dahil sa kasong robbery ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela City Police Station sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dexter Villamor, residente ng . 6111 Lower Tibagan, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City.
Ayon kay Col. Destura, si Villamor ay nadakip ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela CPS sa manhunt operation sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez sa kahabaan ng Mac-Arthur High-way, Brgy. Malinta, bandang alas-2:39 ng hapon.
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SIS na naispatan ang presensiya ng akusado sa nasabing lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa ng police operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Villamor.
Ani P/Capt. Sanchez, si Villamor ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 270 noong December 21, 2020 para sa kasong Robbery. (JUVY LUCERO)
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK