SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Leo”, 20 ng Brgy. Longos.
Batay sa imbestigasyon nina PMSg Mardelio Osting at PSSg Sandy Bodegon, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang gumagala sa Labahita Street, Brgy. Longos na nagdulat ng pangamba sa mga tao sa lugar.
Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ni SIS chief P/Capt. Richell Siñel ang naturang lugar kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril sa kanyang kanang kamay dakong alas-2:50 ng hapon.
Maingat nilapitan ng mga operatiba ng SIS ang suspek saka sinunggaban at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Nang walang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay binitbit ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act).
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI