Nais muling sumampa sa boxing ring ni Keith ‘One Time’ Thurman. Ayon sa ulat, target nitong lumabang muli sa July.
Puntiryang makaharap ni Thurman si Yordenis Ugas, Andre Berto at Devon Alexander ayon pa sa report.
Nagpasya ang 32-anyos na si Thurman na bumalik matapos ang 2 taong pamamahinga. Natalo siya noong July 2019 kay Manny Pacquiao (62-7-2, 39KO’s). Dahilan upang mawala sa kanya ang WBA welterweight title belt.
Nais din ni Thurman (29-1, 22KO’s) na ikasa ang rematch sa ‘Fighting Senator’ na hindi rin lumaban sa loob ng two years.
Ngunit, wala aniyang kasiguraduhin ito. Kaya, hinahamon din ni Thurman sina welterweight champions gaya ni Errol Spence. Gayundin si Terrence ‘Bud’ Crawford sa title shot.
Pero, hindi pinansin ng dalawa ang hamon na ito. Ayon kay Spence, hindi niya lalabanan si Thurman.
Aniya, nadismaya siya noon nang hindi kumasa si ‘One Time’ na labanan siya ng title shot.
“I’m unhappy that he never gave me a title shot when he held the WBA and WBC titles,” ani Spence.
Dahil dito, ang number one sa radar ni Thurman na labanan ay ang WBA Super World welterweight champion na si Ugas (26-4, 12KO’s).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!