May bagong pamaskong pakulo ang Coco life para sa bayang litratista. ‘Catch the moment, shoot the drama,emotion and the spirit and win’-ito ang malugod na paanyaya ng nangungunang kumpanyang pang- insurance sa bansa.
Isang Christmas season full of life ang inilaan ng Cocolife para sa mga kabataan at me -edad nang mga entusiyastiko sa larangan nang potograpiya matapos ilunsad nito ang isang natatanging paligsahan sa pagkuha ng makabuluhang larawan para sa new normal ng taunang yuletide celebration.
In-endorso na ni basketball superstar Keifer Ravena-Gilas team Captain at Cocolife Brand Ambassador ang pamaskong pakulo ng Cocolife na ‘ Acts of Kindness’ Contest and Win’ na handog para sa mga kababayang amateur/ professional photographers sa buong kapuluan. Lahat ng entries ay dapat na orihinal na materiales at nasa digital form(JPEG format). Ang pag-gamit ng DSLR Point-in-and- Shoot at Camera Phones ay pinapayagan sa paligsahan.
Tumataginting na Php10,000 ang premyong salapi lakip ang Christmas Noche Buena Gift Package at pirmadong RVNA ball ang igagawad para sa labindalawang mga makasining na photography winners na iaanunsiyo sa Desyembre 11,2020. Ipapadala ng Cocolife social media team sa private messenger ng mga nagsipagwagi upang ipaalam ang pinal na na resulta at maaaring makuha ang kanilang premyo sa pinakamalapit na sangay ng Cocolife .
Ang mga lalahok sa pakulong supotado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Joie Franz Araque , ay dapat na nasa edad 21 hanggang 59 anyos at marapat na i-like ang official Facebook page ng Cocolife at may komento sa kanilang photo entries na may temang ‘Acts of Kindness’ promo post na may hashtag#ActsofKindness#Cocolife#BeleivinginTheFilipino.
Ang registration link ay ipapasa sa mga kwalipikadong partisipante para sa detalye ng komunikasyon. Walang takdang limit ng entries ang bawat kalahok at ang deadline ng pagsumite ng kanilang piyesa ay sa Nobyembre. 30,2020.
***
DAVAO COCOLIFE TIGERS RARING TO GO!
Bagama’t umabot na ng halos walong buwang pagkatengga partikular ang MPBL dahil sa outbreak ng pandemya,lagi namang handa at kundisyon ang contender na koponang Davao Occidental Cocolife Tigers anumang oras na makakuha na ang liga ng go signal mula sa IATF.
Ayon kay deputy team manager Ray Alao, solid pa rin sa bangis ang Tigers ni team owner Rep.Claudine Bautista katuwang sina manager Dinko Bautista, basketball operation head Bhong Baribar at suportado rin ng Cocolife , upang tapusin nang matagumpay ang kanilang unfinished business bago magka -Covid scare ang mundo.
Bago kasi ang lockdown, may nakatakdang rubberrmatch game 3 ang Davao kontra palabang Basilan at determinado ang Tigers na hablutin ang south division title upang harapin ang sino mang magwagi sa semis game 3 ng defending champion San Juan Knights laban sa koponang Makati sa north division para maikasa na ang national championship sana at ay mangyari ito ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kaya walang dull moments sa pagpakundisyon ang Tigers physical man o virtual at lagi silang handang managpang ng kalaban upang makamtan na ang kampeonatong natsambahan ng San Juan noong taong nakaraan.Tigers are raring to go…ABANGAN!!!
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2