January 24, 2025

KEIFER RAVENA, BULILYASO ANG JAPAN B LEAGUE STINT MATAPOS DI PUMAYAG ANG PBA

Mukhang mauudlot ang paglaro ni Keifer Ravena sa Japan B. League. Ito’y matapos hindi pumayag ang PBA Board of Governors.

Ayon sa governors, dapat na timbangin ni Ravena ang kanyang nilagdaang contract sa PBA. Ang kontrata sa Road Warriors na pinirmahan nito noong September 2020.

Dapat anila na kilalanin at bigyang halaga ni Ravena. Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas, nais ng board na manatiling sagrado ang kontrata.

The Board has come out with its decision and its decision follows specifically a philosophy on the importance of a contract, which is important in Philippine law and the PBA and in FIBA,” ani Vargas.

Sinabi na ng pamunuan ng NLEX na dapat sumunod ni Keifer sa PBA rules. Na nakapaloob sa kanyang contract.

Dahil sa anunsiyo ng Shiga Lakestars na lumagda na sa kanila si Ravena, sumulat ang PBA sa Japan B. League president Shinji Shimada.

Kung saan, ipinaliwanag doon kung bakit hindi pwedeng maglaro si Keifer sa liga.

Kaugnay nito, sumulat na ang PBA sa Japan B.League upang ipaliwanag kung bakit hindi puwedeng maglaro si Ravena sa Shiga Lakestars.