September 19, 2024

KC CONCEPCION, SA KAPATID TV5 MAPAPANOOD

MATAGAL ding nawala si KC Concepcion sa telebisyon, pero visible naman siya sa social media. Ang tanong nga ng mga fans niya ay, may plano ba siyang bumalik sa telebisyon? Dahil na miss na nila si KC na umaarte sa telebisyon.

Dahil nagsara na nga ang kanyang mother TV network na ABS-CBN, nawalan na ito nang malaking chance na makabalik pa sa telebisyon. Ikinalungkot naman ito ng kanyang mga tagahanga, pero umaasa pa rin sila na magkakaroon ng show o teleserye ang kanilang idolo.

Ang balita kasi namin, kinausap na ng kampo ni KC Concepcion ang pamunuan ng Kapatid TV5 upang magkaroon ng show o teleserye ang actress sa nasabing TV network. At mukhang may maganda naman itong resulta, kaya masaya ang kampo ni KC Conception sa kanilang ginawa.

Basta sa ngayon ay wait lang muna ang kanyang mga tagahanga, dahil hindi magtatagal ay mapapanood na si KC sa telebisyon. Malalaman naman nila ang kaganapan nang kanilang pag-uusap dahil, sasabihin naman ito ni KC at tiyak na ipo-post niya ito sa kanyang Instagram.