
NGAYON naglabas nang side niya si KC Concepcion, tungkol sa planong pakikipaghiwalay ni Sharon Cuneta sa asawa niyang si Kiko Pangilinan. May mamuo kayang tampuhan kina KC at Sharon, dahil baradong barado si Sharon Cuneta sa mga pinagsasabi nito?
“Drama lang ang lahat nang pinagsasabi niya, kasi kung talagang ayaw niyang maging asawa ng isang politiko. Bakit niya pinayagang pasukin ni Kiko ang politika?
“Gumigimik lang siya para pag-usapan ang mga sinabi niya sa mga interbyu sa kanya, iyang tungkol sa hiwalayan naku drama lang ni Mega iyan at alam n’yo naman si Sharon mahusay gumawa ng storya iyan.
“Iyang plano niyang pakikipaghiwalay, pampaawa effect lang niya iyan para pag-usapan siya ng madlang pipol.
“Siya pa nga tumulong at nagkumbinsi na tumakbo sa nakaraang halalan, so paanong ayaw niya sa politiko,” saad pa ni KC.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE