June 21, 2024

KBA vs UST, Ateneo vs NU… BASEBALL MANIA SA MANILA, LBP TINGZON CUP NA!

Sina LBP top brass Chairman Wopsy Zamora (nakaupo kaliwa), Pres. Pepe Muñoz (seated at middle), Boy Tingzon( ikatlo mula kaliwa nakatayo, PABA pres. Chito Loyzaga (nakaupo), Keiji Katayama (nakaupo),Kunifumi Itakura (extreme left), Directors Mike Zialcita at Jude Torcuato at bisitang si Ricky Palou sa cocktail fellowship na idinaos sa Makati Garden Club. (Menchie Salazar)

HAHATAW na ang baseball mania sa Manila sa pagratsada ng doublehear ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup ngayong araw ng Linggo sa  makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium.

Ayon kay LBP Chairman Anando ‘Wopsy Zamora, tatampukan ang historic event sa larangan ng sport na  baseball ang grandeng pambungad seremonya ng kauna-unahang commercial baseball league sa bansa na bobonggahan ng parada ng mga koponan sa diamond na kinabibilangan ng kakokoronang UAAP champion na  National University, University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Thunderz, Dumaguete, Katayama Baseball Academy, Itakura Parts Philippines Corporation at Samurai.

“All teams are champion caliber. May the best team win and bring home the title of the historic  league LBP. Bakbakan na!”

Tiniyak naman ni LBP president Jose Antonio Munoz (siya ring PABA secgen) na dadalo sa opening ceremony si PABA president Chito Loyzaga bilang espesyal na panauhin.

Sinabi naman ni Executive Director Rodolfo Boy Tingzon, Jr. na doubleheader ang handog ngayon ng LBP Tingzon Cup na buenamanong  hahataw ang   KBA Stars kontra UST Tigers sa ganap na 8am habang magtutunggali ang powerhouse teams Ateneo Blue Eagles laban sa  NU Bulldogs bandang alauna ng hapon.

Bukod kina Zamora, Munoz at Tingzon, ang iba pang opisyal na bahagi  pagkatatag ng LBP ay sina Directors Loyzaga, Rene Andrei Saguisag,Jude Torcuato, Felipe Remollo, Jose Emmanuel Eala, Josedinno Mariano, Raymond Tolentino , Michael Zialcita at Anthony Suntay, Executive Administrator si Mariano Artoyo at corporate secretary si Julie Ann Yabes. (DANNY SIMON)