June 26, 2024

KBA STARS KINATAY ANG SAMURAI SA LBP TINGZON CUP

KUMISLAP ang bituin ng KBA Stars matapos nilang  tagpasin ag ibaon ang   Samurai U-18,14-4 sa pagpapatuloy ng Season 1 ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon  Cup nitong weekend sa  Rizal Memorial Baseball Stadium.


Pumukol  ng impresibong pitching si Francis Thomas  Gonzaga mula RTU sa loob ng 5 innings , maganda ang hitting nina Renato Samuel at  Ignacio Escaño tampok ang  mahusay na laro ni John Leonel Matanguihan at nagparmdam na ang powerhouse team na gamaganda na ang kanilang conditioning.


“I just said Congratulations to all my Stars. Everyone’s effort made us win the game!! If you enjoyed the game, I’m very happy,” wika ni  playing team owner Keiji  Katayama, assistant coach ng Team Philippines na kumopo ng baseball gold medal noong 2019 SEAGames.
Tangan ngayon ng KBA ang 1-1 kartada sa torneong inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘ Wopsy Zamora,President Jose ‘Pepe Munoz at Executive Director Rodolfo ‘ Boy Tingzon. (DANNY SIMON)