May 18, 2024

Kaya hindi natuloy ang movie project… ALDEN RICHARDS, PINALABAS NI BEA ALONZO NA MAY ATTITUDE PROBLEM

RUMESBAK ang mga fans ni Alden Richards, at sinabi nila na kaya hindi natuloy ang movie project nila ay may attitude daw si Alden, pero sa totoo lang si Bea Alonzo ang tunay na may attitude ayon sa mga fans ni Alden.

“Binaliktad niya at ang sinisi ay si Alden, pero iyong totoo ay si Bea ang may attitude problem. Pinalabas niyang pinaghintay siya ni Alden, pero ang lahat ng iyon ay siya ang may gawa.

Kaya naligwak ang movie project nila kasi gawa ni girl, siya ang tunay na may attitude. Si lalake, nanahimik na lamang,” birada ng mga fans ni Alden Richards.