May 1, 2024

Kawhi Leonard, makapaglalaro kaya sa first round ng NBA playoffs?

Hindi pa nakakapag-practice ng five-on-five si Kawhi Leonard sa Los Angeles pero handa na silang harapin ang Dallas Mavericks sa first round ng NBA playoffs.

Simula Marso 31 ay hindi na naglaro si Leonard dahil sa pamamaga ng kanyang  tuhod na inoperahan. Magsisimula ang best-of-7 series sa Linggo sa Los Angeles.

“I’m preparing to have him on the court,” saad ni coach Tyronn Lue. “We just take it day-by-day. He’s getting better and we’ll see how much he continues to progress.”

Nag-sorry si Lue sa media dahil sa kanyang halatadong pagkadismaya sa paulit-ulit na tanong kaugnay sa kalusugan ni Leonard. Piniling manahimik ng koponan kung kailan magiging available si Leonard.

Nag-alangan ang kanyang teammate na si Norman Powell nang tanuningin ang lagay Leonard matapos ang kanyang limitadong partisipasyon sa practice noong Martes.

“That’s not on me to answer, man,” aniya. “I let the organization and the coach talk about the status of Kawhi.” RON TOLENTINO