November 1, 2024

Kauna-unahang kabaong na eco-friendly ginamit sa Netherlands (Gawa sa mycelium)

Matapos ang ilang buwan ng pananaliksik, naganap ang kauna-unahang libing sa Netherlands gamit ang “living coffin” na gawa sa mycelium.

“I didn’t actually go, but I talked to a relative beforehand – it was a moving moment, we discussed the cycle of life,” ayon kay Bob Hendrikx, founder ng Loop, ang siyang gumawa ng Living Cocoon.

“He had lost his mother, but he was happy because thanks to this box, she will return to nature and will soon be living like a tree. It was a hopeful conversation.”

Saad pa ng 26-anyos na biodesigner na nag-aral sa Technical University of Delft, na ang “Living Cocoon” ay siyang nagpapahintulot sa mga tao na makabalik upang maging kalikasan. Napalalago raw nito ang lupa imbes na maging polusyon.

Para kay Hendrikx ang mycelium ay isang “nature’s recycler”. Hindi lang daw nito natatanggal ang mga toxins at nagbibigay ng sariwang pagkain sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, kundi ang mga hibla nito ay maaring magamit upang makagawa ng anumang bagay mula sa pagkain hanggang sa damit at packaging – kabilang na ang kabaong.

“Mycelium is constantly looking for waste products – oil, plastic, metals, other pollutants – and converting them into nutrients for the environment,” aniya. “This coffin means we actually feed the earth with our bodies. We are nutrients, not waste.”

Paliwanag pa niya na ang mga pangkaraniwang kabaong na kadalasang ginagamit sa libing ay maaring abutin pa ng isang dekada o higit pa bago maagnas ang katawan ng tao, na pinababagal pa ng kahoy na may barnis at bakal ng kabaong at ang synthetic clothing, na matatagalan pa bago maglaho.

Hindi tulad ng mycelium na kabaong na anim na buwan o anim na linggo bago bumalik sa pagiging lupa, na aktibong tumutulong upang tuluyang maaganas ang katawan sa loob nito at napapalago ang lupa – sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong taon.

Layon daw ng Loop katuwang ang mga scientist na alamin ang epekto ng katawan ng patay na tao sa kalidad ng lupa upang kumbinsihin ang mga mambabatas na gawing malagong kagubatan ang maruming lugar– sa pamamagitan ng ating katawan bilang nutrisyon.

Sa pakikipagtulungan sa dalawang funeral cooperatives sa The Hague, nakagawa na sila ng sampung kabaong na nakakahalaga ng €1,250. Inaasahan pang bababa ang presyo nito kapag dumami na ang produksiyon, at umaasa si Hendrikx na ang mycelium casket ay simula na ng “new normal”.