BUMABA ng 60% ang robbery at theft cases magmula nang ipatupad ang community quarantine simula noong Marso 17, ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Ayon pa sa opisyal bumaba rin sa 46 percent ang walo pang tinututukang krimen gaya ng murder, homicide, physical injury rape, robbery, theft, at carnap na sasakyan at motorsiklo sa nakalipas na 200 araw.
Binigyang-diin ni Eleazar, na dahil sa pandemya hindi nagagawa ng mga kriminal ang kanilang mga masasamang gawain.
“While the community quarantine denied criminal elements the usual opportunity to strike, the increased police visibility down to the barangay level is a big factor in reducing criminal incidents across the country,” wika ni Eleazar.
Batay sa datos ng PNP JTF Covid Shield, nasa kabuuang 18,683 crimes ang naitala sa ilalim ng Eight Focus Crime mula March 17 hanggang October 2 ng kasalukuyang tao, kumapara sa datos mula August 30,2019 hanggan March 16,2020 na nakapagtala ang PNP ng 34,768 criminal incidents.
Nagkaroon ng malaking pagbaba ng kaso ng motorcycle carnapping kung saan nagkaroon ng 64 percent decline kung nasa 786 cases lamang ang naitala habang umiiral ang quarantine period.
Robbery cases ay bumaba ng 61 percent, mula sa 5,627 cases ngayon ay nasa 2,073.
Theft and carnapping ay parehong nagkaroon 60 percent decline, mula sa 11,653 cases ngayon ay nasa 4,690 cases ang theft, mula sa 240 cases na naitala sa carnapping ng mga sasakyan ngayon ay nasa 97.
Para sa physical injury cases, nagkaroon ng na 38 percent, mula sa 5,958 ngayon ay nasa 3,692.
Rape cases bumaba ng 23 percent decline mula sa 5,080 ngayon ay nasa 3,911.
Murder cases bumaba ng 20 percent, mula sa 3,463 ngayon ay nasa 2,761 habang ang homicide cases bumaba ng 25 percent, mula sa 897 ngayon ay nasa 673 cases na lamang.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA