November 18, 2024

KASONG RAPE VS VHONG NAVARRO IBINASURA NG SC

MAYNILA – Ibinasura ng Supreme Court (SC) 3rd Division ang “rape” at “acts of lasciviousness” case laban sa TV host-actor na si Vhong Navarro na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Batay sa 42 pahinang resolusyon ng kataas-taasang hukuman, wala umanong nakitang pag-abuso sa kapangyarihan nang unang ibasura ng Department of Justice (DoJ) ang complaint ni Cornejo.

Nabigo raw kasi itong makapaglahad ng matibay na argumento at hindi rin kapani-paniwala ang salaysay.

Saklaw sa resolusyon ng SC Third Division ang isyu ng sexual intercourse at acts of lasciviousness laban sa aktor.

Bago ito, sumuko at nakulong pa si Navarro sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI), bago inilipat sa Taguig City Jail.

Pero matapos ang ilang linggo sa piitan, nakalaya din ito matapos maglagak ng piyansang P36,000.