December 24, 2024

Kaso ng perussis, sumirit… DOH: MGA BATA PABAKUNAHAN

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na pabakunahan ang kanilang anak dahil sa pagdami ng kaso ng pertussis o whooping cough sa unang quarter ng 2024.

Sa press briefing, iniulat ni Health Secretary Ted Herbosa na umabot sa 1,112 kaso ng pertussis ang naitala mula Enero hanggang Marso, na kung saan ang 54 ang namatay. Sa bilang na ito, 70% ang naospital.

Kalamitang tinatamaan ng pertussis ay ang mga batang nasa edad 5-anyos pababa.

Ayon kay Herbosa, ginagawa na nila ang lahat para mabakunahan ang mga bata at tiniyak na sapat ang supply ng bakuna.

Nalaman sa Kalihim na hanggang buwan na lamang ng Mayo ang suplay ng bakuna kontra pertussis kaya hindi maaaring mawalan ng suplay.

Kaya naman aangkat ang pamahalaan ng tatlong million doses ng DPT vaccine mula sà Serum Institute of India.

“Ang pertussis is vacccine preventable. In fact, last year, many of these LGUs, zero, walang case ng pertussis because nape-prevent natin with vaccination. Ang problema pag dumadami ang numero ng bata na hindi bakunado sa pertussis ay kumakalat iyong cases. In fact, iyon ang nakita namin. Karamihan ng bata below 5 years old ang nai-infect at marami below 6 months nai-infect. Kasi 6 months natin binibigay iyong pentavalent o 5-in-1,” saad niya.

“Iyong bakuna laban sa pertussis ay pentavalent vaccine – kasama doon iyong diphtheria, pertussis, tetanus, hib (Haemophilus influenzae type b) at saka hepatitis B. Tatlong dose po ang binibigay starting 6 months. So iyong mga bata… nai-infect sila ng mga batang walang bakuna at nagkaka-pertussis. So pati iyong below 6 months na dati hindi nai-infect, nai-infect,” dagdag pa nito.