SUMAMPA na sa 38,805 ang bilang ng kaso ng coronavirus sa Pilipinas, matapos madagdagan ng panibagong 294 na kaso.
Sinabi ng Department of Health na 294 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 52 ang “fresh cases” habang 242 ang “late cases.”
Nasa apat pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,274 na.
Ayon pa sa DOH, 235 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 10,673 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante