December 24, 2024

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas posibleng abutin ng 60,000 sa July 31 – eksperto

Kuha ni Norman Araga

POSIBLENG umabot sa mahigit 60,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagdating ng Hulyo 31, ayon sa pag-aaral na ginawa ng grupo ng dalubhasa.

Samantala maaring umkayat sa 1,300 ang death toll sa araw na iyon, ayon sa grupo na binubuo nina University of the Philippines mathematics professor Dr. Guido David, UP political science assistant professor Ranjit Singh Rye, Ma Patricia Agbulos ng OCTA Research at biology professor Rev. Fr. Nicanor Austriaco ng Providence College and University of Santo Tomas.

Sa National Capital Region (NCR), tantiya ng grupo na magiging 27,000 ang kaso ng COVID sa Hulyo 31.

Habang sa Cebu, ay maaring umabot sa 20,000 ang kaso ng COVID-19 sa parehong petsa.

“Using the current value of Rt, based on the current number of cases in the Philippines (including uncategorized cases) and assuming the trends continue, this projects to more than 60,000 Covid-19 cases by July 31, with 1,300 deaths. In NCR, the projection is 27,000 cases by July 31, while in the province of Cebu, the projection is 20,000 cases by July 31. We emphasize that the projected increase in cases and deaths can be prevented by rapidly identifying and breaking chains of viral transmission,” ayon sa grupo.

“The pandemic is still spreading,” saad pa nila.

Isinagawa ng grupo ang pag-aaral noong Marso 1 hanggang Hunyo 25, 2020.