MALAPIT nang sumirit sa 140,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw.
Ayon sa DOH, nadagdagan ng 2,987 ang naitalang nahawa para pumalo sa kabuang bilang na 139,000 ang may COVID-19 sa bansa.
Sa bilang na ito, 1,530 ang galing sa Metro Manila, 398 sa Cavite, 144 sa Laguna, 135 sa Iloilo at 119 sa Cebu.
Sa kabuuang kaso, 68,794 ang tinuturing na active case o iyong mga nagpapagaling pa sa COVID-19.
Samantala, akyat naman sa 68,432 ang bilang ng mga gumaling sa 280 new recovery.
Habang 2,312 naman ang panibagong death toll sa 19 dagdag sa nasawi sa virus.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA