
MALAPIT nang umabot sa 130,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 3,109 infected patients ngayong Linggo.
Ayon sa COVID-19 bulletin ng DOH, sa 129,913 cases ay 59,970 dito ay aktibo, habang umabot na sa 67,673 ang nakarekober matapos gumaling ang 654 na pasyente.
Samantala, 61 naman ang panibagong nasawi sa coronavirus kaya ang total death toll ay umakyat na sa 2,270.
Karamihan sa 3,109 newly-reported cases ay nanggaling sa National Capital Region (NCR) na may bilang na 1,700, sinundan naman ito ng Laguna (169), Cebu province (114), Rizal (98) at Cavite (93).
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon