LUMAGPAS na sa 15 milyon ang bilang ng novel coronavirus cases sa buong mundo, ayon sa running tally ng US-based Johns Hopkins University.
Lumalabas sa datos na 618,000 ang kabuang namatay sa buong daigdig, habang 8.5 milyon ang nakarekober sa nakamamatay na virus.
Nanatili pa ring nangunguna ang United States na may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 na umabot na sa 3.91 million infection kung saan 142,350 na ang namatay. Nakapagtala naman ang naturang bansa ng 1.18 milyon na gumaling sa sakit.
Pumapangalawa ang Brazil na may 2.15 milyon na kaso ng virus, habang 81,500 ang namatay at 1.56 milyon ang gumaling.
Kabilang pa rin ang India, Russia, South Africa, Pero, Mexico, Chile, UK at Iran sa bansa na may pinamaraming kaso ng COVID-19.
Nakapagtala naman ng 85,314 na kaso ang China, kung saan nagmula ang COVID-19, na may 4,644 ang namatay at 80,018 ang gumaling.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE