“Ipinanganak ka lang ng magulang mo. Buhay mo yan, katawan mo yan. Ikaw ang may mas higit na karapatan pagdating sa sarili mo.”
Ito ay isa lamang sa maraming mga salitang ginagamit ng mga makakaliwang grupo nang sa gayon ay malinlang nila ang isang tao lalo’t higit ang mga kabataan. Ipinamumukha nila sa mga murang kaisipan ang mga baluktot nilang ideyolohiya sa salitang “KARAPATAN” na ang malinaw at tanging intensyon lamang nila ay makahikayat ng mga kabataan na may pusong liglig sa galit at kalaunay maging kaisa nila para mapabagsak ang pamahalaan.
Maraming aspeto ng karapatan ang ginagamit at binabaluktot ng mga rekruter ng CPP-NPA-NDF para manlason ng kaisipan ng kanilang kapwa.
Kung ikaw ay estudyante, gagamitin sayo ang karapatan sa pag-aaral, kung ikaw ay nagtatrabaho, gagamitin naman sa iyo ang karapatan ng manggagawa. Kung ikaw naman ay babae, karapatan naman sa kababaihan, kung magsasaka ay karapatan sa lupa, at marami pang iba. Ipinamumukha ng mga ito sa kanila na kagagawan ng pamahalaan kung bakit hindi nila makamit ang kanilang mga karapatan.
Binubulag nila ang kanilang mga kababayan at pinapasidhi nila ang damdamin ng mga ito para magtanim ng galit sa gobyerno samantalang hindi nila nakikita ang ginagawa ng pamahalaan sa ating lipunan. Ngunit hanggang saan nga ba ang ating mga karapatan?
Hanggang saan tayo kinakailangang lumaban para makamit natin ang mga karapat dapat sa atin? Sapagkat kung ating pakaiisipin, kaakibat ng ating mga karapatan ay ang tungkulin. Tungkulin na mag ambag ng naayon sa ikauunlad ng ating lipunan nang sa gayon ay madali, tahimik at malinaw nating nakikita kung ano ang ginagawa ng ating pamahalaan na punan ang ating mga pangagailangan. Sapagkat bago pa man iyang mga bulok na ideyolohiya ng mga teroristang CPP-NPA-NDF, nariyan na ang pamahalaan at patuloy na pinupunan ang mga pangagailangan ng kanyang mga nasasakupan. Sapagkat nakikita ng pamahalaan ang lahat ng karapatan na dapat nakakamit ng bawat isa sa atin. Kung sa karapatan din lamang para sa edukayon, nariyan ang DepEd at nagkalat ang mga pampublikong paraalan sa buong bansa.
Para sa kababaihan, mayroon tayong DOJ na magtatanggol sa kanila at malakas ang pagpapalaganap ng VAWC sa ating komunidad. Kung sa manggagawa naman, mayroon tayong DOLE at kung sa lupa, nariyan ang DAR. At marami pang departamento ang ating pamahalaan sapagkat kinokonsidera ito parati ng mga namumuno na maibigay ang nararapat para sa ikauunlad ng ating bayan at ating mga kababayan. Dito bulag ang makakaliwa.
Sa dinami dami ng karapatan na pinaglalaban ng mga makakaliwang ito, marahil ay may nakalimutan silang karapatan. Nasaan kaya ang karapatan ng isang magulang? Kailan nila ipaglalaban ang karapatan ng isang magulang sa kanyang anak na sa halip na si inay at tatay ang mag-alaga sa mga kabataang ito ay kanilang nirekrut, ni-brainwash at pinag-aalsa laban sa pamahalaan.
Kailan kaya nila maibibigay sa kanilang mga rekrut ang karapatan ng pagkakaroon ng isang buo, payapa at masayang pamilya? – (PHILIPPINE AIR FORCE)
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI