December 19, 2024

KAPITANA INAKUSAHAN NANG PAGLABAG SA ANTI-GRAFT LAW, INIREKLAMO SA DILG

NAHAHARAP sa reklamong paglabag sa anti-graft law ang pinuno ng isang barangay matapos na ireklamo ng isang konsehal.

Batay sa inihaing complainant affidavit ni Malabon City Councilor Diosdado Cunanan sa Department of Interior and Local Government, paglabag sa Republic 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang kinakaharap ni Barangay Chairwoman Sheryl Nolasco ng Potrero Malabon.

Ayon sa complaint, ginamit ni Nolasco sa pagbabayad sa pribadong indibiduwal ang mahigit ₱186,000 na pondo ng barangay nang walang kaukulang resolution mula sa konseho, sangkot din aniya sa pagsusugal sa casino at nay immoral na relasyon na nagpapakita ng intimacy sa publiko.

Binanggit din sa complaint ang mga pagbiyahe sa ibang bansa ni Nolasco na walang official leave.

Pinagbatayan sa complaint ang mga salaysay ng ilang testigo kabilang dito ang mga dating kawani ng Barangay Potrero at ng isang Marsha Llobera.

Naniniwala ang complainant na matibay ang kanyang mga ebidensiya upang mapanagot sa pagkakasala ang nasabing puno ng barangay.