May 5, 2024

Bambol at 3 iba pang cycling-NOC heads kinilala ng UCI sa Glasgow Congress

SINA Philippine Olympic Committee (POC) chief Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at tatlo pang  national Olympic committee (NOC) presidents na pinuno rin ng kanilang cycling federations ay kinilala ng International Cycling Union (UCI) sa idinaos na Congress kamakalawa sa Glasgow, Scotland.

Prominente sa mga naturang NOC heads ay si UCI president David Lappartient,na siya ngayong lider  ng France Olympic committee—ang posisyong pinaniniwalaang kasunod ay pagiging International Olympic Committee president.

“It’s a rare and historic event and opportunity,” wika ni Tolentino sa idinaraos na  UCI World Championships  kung saan ang sports’ governing body ay dagsa sa world championships sa 13 cycling disciplines sa loob ng 11 araw sa Scotland.

“This won’t be happening again soon,” ani Tolentino.

Kinilala rin bukod kina Lappartient at Tolentino sina NOC at cycling head of Indonesia na si Raja Sapta Oktohari, Abderrahmane Ethmane.mg Mauritania

Ang pagkilala ay isa sa  agenda ng  UCI 192nd Congress na dinaluhan ng  203 miyembro ng international federations sa  Glasgow.

Ang  UCI ay itinatag 123 taon na ang nakaraan noong April 14, 1900.