September 16, 2024

KAPAMILYA NEWS ANCHOR TED FAILON, VIP DAW ANG DATING SA RADYO SINGKO NG TV5?

NABULABOG daw ng isang Kapamilya broadcaster ang mga dating news anchor ng Radyo Singko ng TV5, sila ngayon ang dapat na mag-adjust sa bagong magiging set up ng kanilang schedule.

Kahit hindi matanggap ng mga news anchor ay wala silang magawa kung hindi tanggapin ang sitwasyon, at ito na ang kanilang pinangangambahang mangyayari.

Ang mga dating news anchor ay mapipilitan silang pakisamahan si Ted Failon dahil makakasama na nila ito sa news department. Mababawasan din ang oras ng mga dating news anchor sa kanilang mga news program para mag-give way lang sa pagdating ng Kapamilya news anchor.

Wala silang magagawa dahil, isang malaking asset si Ted Failon sa kanilang radio station. Hindi nila kayang bangain ito, dahil mismong Radyo Singko management ang kumuha sa sikat na Kapamilya news anchor para sa kanyang bagong news programang ‘Failon Ngayon.’

Lahat ng programa ng Radyo Singko TV5, ay magkakaroon sila nang malawakang adjustment sa oras dahil lamang sa pagpasok ng isang Ted Failon. At tiyak din mayroon itong masasagasaan na magiging dahilan ng kanilang mga pa lihim na tampo sa pagdating na ito ni Ted Failon sa kanilang radio station.