Tila wala sa bokabularyo ng mga bigating pulitikong sangkot sa flood control projects ang pagkakaroon ng delikadesa bagkos ang meron lang ay kapal ng mukha.
Sa kabila ng mga anomalyang kinakasangkutan na may kinalaman sa kontrata sa DPWH, tila ang pinaiiral na lamang ngayon ay kapal ng mukha!
Kung hindi ba naman makapal ang mukha ng mga malalaking pulitiko natin sa Pilipinas, hindi pa magbitiw sa kani-kanilang tungkulin por delikadesa.
Mga senador na paulit-ulit nating ibinoboto kahit pa ginagawa tayong mga tanga. Sana nga matuto tayong kumilatis ng kandidato sapagkat sukdulan na ang ating pagtitiis.
Heto si PBBM, tumakbo at nanalo. Nangako ng bagong Pilipinas, pero isa at kalahating taon na wala pa ding nangyayari. Panay ang salita at pangako, wala namang natutupad.
Halos isa’t kalahating taon na lamang ang taning nya para sa pagka-presidente, ang tanong may nagawa ba siya?
Matagal na ang panloloko ng DPWH sa ating lahat. Si Martin Romualdez na hanggang ngayon itinatanggi ang paratang na may kinalaman sya sa insertions ng pondo para magamit pala sa mga ghost projects ng DPWH.
Ang masaklap nakuha na nga nila ang insertions na bilyong halaga, itinatanggi pa nila. Kapal ng mga fez.
Paano na kaya tayo mga Cabalen? Saan na kaya tayo pupulutin? Sa kangkungan?
Ang nakakasuklam, ang sarap ng mga buhay, pakuya-kuyakoy lang sa kanilang mga bonggang bahay habang tayong mga mamamayan, naghihintay ng biyaya mula sa iba’t ibang ayuda na kadalasan at kinukulimbat pa ng mga brangay kupitan!
Pasko na wala pa din ang mga sangkot sa anomalya ng flood control gaya ni Zaldy Co at Martin Romualdez. Kumusta naman si Chiz Escudero, Grace Poe at mga starring role ng flood control projects? Si Bong Revilla kakasuhan na naman?! Nakakadalawa ka na agimat!
Ang gustong makita ng mamamayan ay maparusahan ang tunay na akusado at pasimuno ng flood control mess!
Paano pa nga kaya nakakatulog ang mga makakapal ang mukha na ito?! Nasaan ang delikadesa ninyo at bakit di pa kayo magbitiw. Sana makulong ang dapat makulong!
