January 23, 2025

KAPAG PUNO NA ANG SALOP KONTRA MGA SALOT NG LIPUNAN

ANG isang  musmos kapag may takot sa nakatatanda, panatilihin dapat ang linya sa pagitan, huwag biruin o amuin ang bata  dahil pag nabasag ang kanyang takot ay dun na mawawala ang galang at magiging suwail pa ito sa kalaunan.

Ganito ngayon ang mga pasaway na hayagang lumalaban at nambabastos pa sa mismong Pangulo ng bansa.

 Si Presidente Rodrigo Duterte ay kilalang matapang na lider kaya nga siya nahalal ay alam ng mga bumoto sa kanya na siya ang mesiya sa panahon ng tunay na pagbabago at ang mga salot sa lipunan ay kayang lipulin ng kanyang tapang at gusto pa nga nang mas nakararami ang pag-gamit ng  kanyang kamay na bakal para ma-eradicate na ang droga at kurapsiyon na nagpapalumpo sa ating bayan.

Sa unang taon ng termino ni PRRD ay  ikinasa niya ang giyera kontra droga at winarningan  niya ang mga magtatangkang mag-corrupt sa kaban ng bayan.

Pero sa harap nang tapang ni PDigong ay may nakatagong kabaitan  at kababaang-loob sa kanyang pagkatao at iyon ang nasilip ng kanyang kritiko maging ang mga  kunwari ay kasangga nito.

Binubura nila ang linya sa kanilang pagitan at nang sinubukan nilang umangal  sa Pangulo gamit ang sandatang ‘karapatan ‘ bilang tao pati na mga  sutil na  mamamahayag ay  akala’y ayos lang.

Puwede naman palang magsalita laban sa Pangulo sa kalasag ng sinamantalang demokrasya, libakin, hamunin, magsisigaw sa kalye laban sa kanyang administrasyon, sunugin ang  kanyang effigy, kenkoyin ang kanyang mukha at ginagawa, pagtulungang durugin ng mainstream (biased at fake) media at trolls sa social media, araw-arawing batikusin ng oposisyon sa pangunguna ng atat na bise presidente, topak na dating Senador mga virus, kikomatsing at prank na pulitiko na hangaring bumagsak ang gobyerno o lumala ang karamdaman at madedbol kalaunan sa dalangin pa nang kaparian at iba pang nakamaskarang disente pero demonyo sa tunay na buhay, kaya ang bayan ni Juan ay hilahod pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Wala naman palang mangyayari sa kanila kahit lantaran silang lumaban na akala nila ay sikat sila dahil umaangil sila sa dapat ay kinatatakutang lider.

Ang mga linsyak  na pasaway ay walang iniisip kundi kontrahin ang Pangulo at pabagsakin kapag marami na silang mauuto o mababayarang tao na magkakalat sa kalye at manawagang patalsikin si PDU30.

Sinasadya nilang magkumpol sa pagrarali at walang pakialam kung marami muli ang magkahawaan ng Covid-19 dahil ayaw nilang magapi ang pandemya kasi ay lalong lalakas sa masa ang Pangulong kinamumuhian nila .

Kayong mga pasaway, kwidaw na  dahil pinagbibigyan lang kayo sa katarantaduhan n’yo.

Kapag napuno ang salop ay humanda kayo sa tunay na pagbabago na ipatutupad ng Pangulo dahil sa sapantaha ng korner na ito ay malapit nang  umabot sa krusyal na linya ng pasensiya ang sasabog at magbu-boomerang sa inyong mga salot ng lipunan… ABANGAN!!