November 3, 2024

KAMPO NI SEN. PACQUIAO, PUMALAG SA PAGTABLA NG WBA NA MAIBALIK ANG TITLE BELT NITO

Pumalag ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao tungkol sa pasya ng WBA na tablahin ang rekwest nito. Ito ay kaugnay sa pagnanais na maibalik ang WBA welterweight belt na nakuha noong July 2019.

Ayon sa president ng MP Promotions na si Sean Gibbons, wala aniya sa hulog ang ginawa ng WBA. Hindi raw makatarungan ang ginawa nitong pasya na di dumaan sa tamang process.

Wala ring pormal na sulat ang WBA tungkol sa desisyong pagbawi nito ng sinturon. Nabigla na lamang ang kampo ng Pinoy boxing champ sa statement ng WBA tungkol sa pagbawi.

Kinuha ng boxing organization ang belt kay Pacquiao noong January. Hindi kasi nito nadepensahan ang title belt sa loob ng mahigit na 90 days. O umabot pa nga sa lagpas 1 year at 200 days.

 “I can tell you what Manny didn’t receive – due process and respect,” ani Gibbons.

The WBA never inquired about Manny’s title defense plans. The WBA never warned us Manny’s Super Champion status could be in jeopardy,” ani Gibbons.