
Makabuluhan ang isinagawang kampanya ng mga supporters ni Presidential aspirant Bongbong Marcos (BBM). Sa halip na magparamdam sa mga bahay-bahay sa bawat lunan, sa ibang paraan ito isinagawa. Na nakakatulong pa sa kapakanan ng ating Inang Kalikasan at ng kapaligiran.
Katunayan, nagkasa ng beach clean-up ang supporters. Gayundin ng tree planting at community pantry. Nagpasalamat naman si BBM sa ginawang ito ng kanyang mga supporters. Na sila ay BBM Cagayan Valley Chapter na nakiisa sa ‘BBMTree4Unity’.
Ang ilan naman ay nakiisa sa isinagawang Clean-UP drive sa dalampasigan o beach ng Boracay.
“Hinahangaan ko po ang mga ideyang ito na angkop sa panahon at may malasakit sa kapwa at kapaligiran!’ ani BBM.




More Stories
Ang Marso ay Kaarawan ng Apat na Pangulo
Ang Alamat ng ‘Ang Huling El Bimbo’
AIR INSTALLATION AND BASE DEVELOPMENT COMMAND (AIBDC), MATAGUMPAY NA NAKAPAGSAGAWA NG COASTAL CLEAN-UP DRIVE