Magbibigay din ang Kamara ng cash incentives kay Hidilyn Diaz dahil sa gold medal win sa Olympics.
Katunayan kumakalap sila ng halaga na pandagdag insentibo kay Hidilyn. Ang halaga ay maaaring umabot sa P5 hanggang P10-milyon. Ito kasi ang target ng Kamara na malikom na halaga.
Ayon kay Deputy Speaker Michael Romero, si Speaker Allan Velasco ang nag-initiated ng move.
“Bale may hawak siya na hat na ipinasa sa mga kasama namin. He started with P200,000. Hayun, pass the hat na para sa additional incentive kay Hidilyn,” aniya.
“As we speak nagpapasahan na ng hat ngayon and ‘yung mga pledges from congressmen are being done as we speak. I think as we speak, mayroon ng P4 million from various congressmen,” ani Rep. Romero.
Ayon pa sa Kongresista, itutulak din nila na gawing tax-free ang makukuhang incentives ni Diaz.
“I reiterate the call for creating a resolution to make the winnings of Hidilyn tax-exempted,” dagdag ni Romero.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA